Lalaki, natagpuang patay sa basurahan sa Taguig City

Manila, Philippines – Wala nang buhay nang natagpuang ang isang lalaki sa basurahan sa labas ng heritage park sa Taguig City.

Hindi pa kilala ang biktimang nakatali ang kamay sa likuran at nakasuot ng maong shorts at polo shirt.

Ayon kay PO2 Victor Biete, nakuha mula sa bulsa ng biktima ang isang pakete ng hinihinalang shabu.


Batay sa isang testigo, nakarinig siya ng limang putok at nakita ang isang sasakyan at motorsiklong nakahinto sa basurahan.

Agad aniyang umalis ang dalawang sasakyan kaya hindi niya namukhaan ang mga sakay nito.

Facebook Comments