Bangkay ng Isang Lalaki, Natagpuan sa isang Eco-Tourism Park sa Nueva Vizcaya!

Diadi, Nueva Vizcaya – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga otoridad kahapon Enero 20, 2019 partikular sa Lower Magat Eco Tourism Park (LMET) sa Diadi, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Eugenio Turingan, nasa tamang edad, residente ng Cauayan City, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Diadi sa RMN Cauayan, nakatangggap sila ng tawag mula sa isang security guard hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na puno ng taga sa katawan na nakahandusay sa kanilang resort.


Sa pagresponde ng mga otoridad ay narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang duguang palakol na posible umanong ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Base naman sa Guest Logbook at CCTV Footage ng naturang resort ay nagchek-in ang biktima pasado alas sais ng gabi noong Enero 19, 2019.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments