Lalaki, natagpuang patay sa QC

233

Quezon City – Isang lalaki ang nadiskubreng wala ng buhay sa Barangay Gulod, Novaliches kaninang madaling araw.

Walang pang pagkakakilanlan ang biktima, pero ito ay sinasabing isang pedicab driver.

Sa initial na imbistigasyon, pinagbabaril siya ng hindi na nakilalang suspek.


Kanina, tinakpan nalang ng karton ang katawan ng biktima habang nakabulagta sa gitna ng kalsada.

Walang gustong magsalita sa nangyaring krimen habang patuloy ang pagtukoy sa motibo sa krimen at sinisilip na rin ang ilang CCTV malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments