
Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 43-anyos na lalaki sa sementeryo sa Barangay Bonifacio, Cabugao, Ilocos Sur.
Ang biktima ay nakilalang residente ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ng Cabugao Municipal Police Station, natagpuan ang lalaki sa sementeryo na nakasabit ang kanyang short pants sa nakausling bakal mula sa pader at nakaharap ito pababa.
Nakatakip naman sa kanyang mukha ang kanyang t-shirt.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay may sakit sa pag-iisip at wala naman umanong nakitang foul play.
Napag-alaman din nila na laging pumupunta sa nasabing lugar ang biktima upang tumambay.
Facebook Comments









