
Wala nang buhay nang matagpuan ng isang 37 anyos na lalaki ng kanyang pinsan sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Pozorrubio, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, hindi na matawagan ang biktima ng kanyang kaibigan kaya naman pinasuyo nitong ipatingin ang biktima sa pinsan nito.
Diumano, tatlong magkakasunod na araw umiinom ang biktima at natagpuan malapit sa kinaroroonan niya ang labindalawang bote ng alak.
Ayon sa awtoridad, walang senyales ng foul play na namataan sa katawan ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









