LALAKI, NATAGPUANG WALANG BUHAY SA DALAMPASIGAN SA LINGAYEN, PANGASINAN

Tumambad sa mga beachgoers kahapon nang umaga ang isang lalaking nakahandusay sa bahagi ng baywalk sa Lingayen, Pangasinan.

Wala ng buhay ang biktima nang makita sa dalampasigan ng Lingayen beach.

Agad naman na natukoy ang pagkakilanlan ng biktima at napag-alamang ito ay menor de edad.

Napag-alaman na simula pa noong gabi noong Miyerkules ay nawawala na ang binata at pinaghahanap ng pamilya.

Sa isang panayam, isa sa tinitignang anggulo ng awtoridad ang umano’y hit-and-run, ngunit hindi kumbinsido ang pamilya rito.

Nanawagan naman ng hustisya ang kaanak maging ang kabarangay nito upang agarang makamit ang hustisya.

Nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ukol sa motibo upang malaman ang totoong sinapit ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments