Isang karpentero ang sumangguni sa awtoridad matapos makita ang katawan ng Isang lalaking nakahandusay sa Lingayen Baywalk na bahagi ng Brgy. Libsong East, Lingayen.
Nirespondehan ito ng pulisya at nakita rin ang motorsiklong may metrong layo mula sa katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago umano ang insidente, nakipag-inuman pa ang biktima sa mga kaanak nito sa nasabing lugar.
Habang papauwi, posibleng dahil na rin sa kanyang kalasingan, ay hindi nito nakontrol ang manibela at bumangga ang sinasakyang motor sa poste ng kuryente.
Sa kasamaang palad, nasawi ang biktima.
Kinilala ang biktima na residente rin sa nasabing barangay.
Paalala muli ng awtoridad na iwasang magmaneho lalo na kung nasa impluwensya ng alak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments