AYon sa pahayag, pagdating ng mga tauhan ng Sta. Catalina MPS, 1st ISPFMC, KIMAT Metro-Vigan, at RHU Sta. Catalina, nadatnan nila ang biktima na nakabulagta at duguan na kalaunan ay idineklarang dead on the spot ng Municipal Health Officer.
Sa parehong lugar, isang sasakyan na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng biktima ang nadiskubre.
Ayon sa saksi, sinundan at paulit-ulit umano na pinaputukan ng mga suspek ang biktima bago tumakas patungong silangan.
Bukod dito, nadiskubre ng Ilocos Sur Forensic Unit sa lugar ang ilang kagamitan katulad ng 19 basyo ng bala ng Cal. 5.56, 10 basyo ng Cal. 45 at 1 deform fired bullet.
Samantala, ayon din sa tala, kabilang umano sa mga natagpuan sa biktima ang magazine na may 5 bala ng Cal. 45, heat-sealed sachets na may hinihinalang shabu, ilan pang gamit at Cal. 45 pistol (Armscor) na kargado ng 9 bala at ilan ding gamit na may kinalaman umano sa ilegal na droga.
Bukod sa ilan pang gamit sa sasakyan, mayroon ding apat na sachet ng hinihinalang shabu at isang cal. 9mm pistol (Tanfoglio) na kargado ng 16 bala.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang posibleng motibo sa pamamaril.






