
Patay ang isang lalaki matapos matuklaw ng cobra sa bukid sa Brgy Sta Ana, Solsona, Ilocos Norte
Nakilala ang biktima na si Ian Maravilla, 36-anyos at residente sa lugar
Ayon sa kapitbahay ng biktima, nagpunta sa bukid ang biktima para magbunot ng punla ng palay
At habang nililinis ang punla, bigla umanong tinuklaw ang kanyang daliri at may nakitang sugat
Matapos ng ilang minuto, unti-unting humina ang katawan at nahilo kaya itinakbo sa RHU
Inilipat sa mas malaking hospital at kalaunan binawian ng buhay
Nahuli at napatay naman ang cobra na mahigit 2 metro ang haba
Sa ngayon, may pangamba pa rin ang mga residente na magpunta sa bukid dahil sa nangyari
Ngayon lang daw may natuklaw ng ahas sa lugar |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









