LALAKI, NAWAWALA UMANO MATAPOS MAGPUNTA SA DAGAT SA DAGUPAN CITY

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang 36 anyos na lalaki na naiulat na nawawala matapos magpunta umano sa dagat sa Pugaro Beach, Brgy. Bonuan Gueset noong Enero 1, 2025.
Ayon sa report ng pulisya, nagpunta ang lalaki kasama ang kanyang mga kaibigan sa naturang lugar sakay ng isang motorbanca.
Sa kanilang pagbabalik, napansin ng grupo na nawawala ang kanilang kasama matapos umano itong maligo sa dagat at posibleng malunod.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na nakainom ang grupo bago pumunta sa baybayin.
Agad na inalerto ang pulisya at ang Philippine Coast Guard upang magsagawa ng search and rescue operation sa lugar.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa sinumang maaaring may impormasyon hinggil sa nawawalang lalaki na makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments