LALAKI, NINAKAWAN SA LOOB NG CANTEEN SA SAN JACINTO

Ninakawan ang isang lalaki sa loob ng canteen sa San Jacinto, Pangasinan.
Sa inireport ng biktima sa pulisya, nawala umano ang sling bag nito matapos na maiwan sa isang canteen.
Naglalaman ang bag ng mga mahahalagang gamit tulad ng identification cards, mini speaker at pera.
Nang tingnan ang CCTV footage ng nasabing kainan, dito na nakuhaan ang pagpasok ng suspek at saka tinangay ang sling bag.
Kinilala ang suspek na isang 29 anyos na lalaki, hollow block maker at residente din sa bayan.
Agad naman na naaresto ang suspek at narekober ang mga ninakaw na gamit.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments