Lalaki patay dahil sa selos sa Pangasinan

Pinagsasaksak ang isang helper sa Brgy. San Felipe Sur Binalonan Pangasinan dahil umano sa selos.
Kinilala ang biktimang si Jun Cordejon 37 anyos residente ng Urdaneta City at ang suspek ay kinilalang si Jimmy Biado isang magsasaka.
Sa imbestigasyon ng otoridad, nahuli ng suspek ang kaniyang asawa na mayroong kausap sa cellphone at muli itong makikipagkita sa biktima.
Dahil dito nagkaroon na ng away sa pagitan ng suspek at ng kaniyang asawa.
Sinugod ng suspek ang biktima habang nagpapastol ng itik at doon na pinagsasaksak gamit ang kaniyang bolo.
Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Boluntaryo namang sumuko ang suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Binalonan at nahaharap sa kasong pagpatay.
###

Facebook Comments