Lalaki patay matapos aksidenteng mabaril ng kainuman

29

Banga, Aklan – Hindi na umabot na buhay sa hospital ang isang lalaki matapos na aksidente itong mabaril ng kanyang kainuman kagabi sa Brgy. Lapnag, Banga, Aklan. Kinilala ang biktimang si Leonido Tordesillas, 32-anyos ng Brgy. Sigcay, habang ang suspek na kainuman nito ay si R-Aie Gomez, 28-anyos at residente ng Brgy. Lapnag ng nasabing bayan. Ayon kay PSSgt. Sagon ng Banga PNP, na kagabi ay nag-inuman ang dalawa kasama sina Jerben Velarde, John Francis Ibao at Ryan Retubis sa bahay ng suspek at nong huli ay kinuha ni Gomez ang baril nito na calibre .45 para sana sa kanyang mga kasama. Tinanggal pa nito umano ang magazine at ikinasa para matanggal ang bala na naka chamber load pero aksidenteng nakalabit ni Gomez ang gatilyo at ito’y pumutok at tinamaan sa kaliwang mata ang biktima. Agad dinala ang biktima sa hospital pero idineklara itong dead on arrival ng doctor habang nasa kustodiya na ng Banga PNP ang suspek matapos na ito’y sumuko dala ang kanyang baril.

Facebook Comments