Lalaki, Patay matapos Bumangga sa Elf Truck!

424

*Cauayan City, Isabela-* Binawian ng buhay ang isang lalaki habang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan matapos bumangga sa likurang bahagi ng elf truck lulan ng kanyang motorsiklo bandang 8:10 kagabi sa Purok 4, Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Victoriano Aguinaldo,50 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Cabaruan habang ang driver ng elf truck ay si Joseph Bergonia, 46 anyos at residente ng Brgy. Maligaya sa kaparehong lungsod.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, parehong binabagtas ni Aguinaldo at Bergonia ang daan nang aksidenteng bumangga sa likurang bahagi ng elf truck ang biktima na agad namang nirespondehan at dinala sa pagamutan para sa paunang lunas.

Ayon sa suspek na si Bergonia, nag-overtake umano si Aguinaldo subalit aksidente itong bumangga sa kanyang minamanehong truck.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya maging ang mga sangkot na behikulo para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers