Lalaki, Patay Matapos Magbaril sa Sarili

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos kitilin ang kanyang sariling buhay sa brgy. District 2, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Perfecto Magno, 36 anyos, magsasaka na residente rin ng nabanggit na barangay.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Executive Master Seargeant Romeo Flores, imbestigador ng PNP San Manuel, nagbaril sa sarili sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima gamit ang isang Caliber 45 na baril.


Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ng umasikasong doktor.

Ayon pa sa imbestigador, base sa kanilang pakikipag-usap sa ama ng biktima, sinabi nito na nagsabi ang kanyang anak na nawawala ito sa pag-iisip at sumasakit ang ulo.

Kumbinsido rin aniya ang pamilya ng biktima dahil nag-iwan pa ito ng sulat na schecdule ng pagpapa-ani sa kanilng palayan at mga dapat pang bayaran.

Facebook Comments