Lalaki, Patay matapos Magbigti dahil Sumama sa ibang Lalaki ang kanyang Live-in Partner

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang lalaki matapos makitang nakabitin ang katawan nito sa kisame gamit ang isang lubid sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Fugu, Tuao, Cagayan bandang alas siyete y media kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Erwin Dumlao, 36 anyos, Laborer at residente ng Bangui, Ilocos Norte at kasalukuyang naninirahan sa Bayan ng Tuao.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg. Wilson Pascua ng PNP Tuao, lumalabas na depresyon ang sanhi ng pagpapakamatay ng nasabing biktima matapos mapag alaman na ang kanyang live-in partner ay sumama umano sa ibang lalaki hanggang sa mawala na ito sa tamang pag iisip na humantong sa kanyang pagbibigti.


Dagdag pa ni PSSg. Pascua, positibo sa nakalalasing na inumin ang biktima ng mangyari ang insidente batay na rin sa salaysay ng mga kapitbahay nito.

Agad naming idinala sa pinakamalapit na pagamutan si Dumlao subalit idineklara itong dead on arrival ng Attending Physician.

Sa ngayon ay nananatili pa ang bangkay nito sa isang punerarya sa Tuao, Cagayan

Facebook Comments