Lalaki, patay matapos magsagawa ng wedding proposal sa ilalim ng tubig

Ang road to wedding, nauwi sa trahedya…

Nasawi ang isang lalaki habang nagpo-propose sa kanyang kasintahan habang sila ay nasa underwater sa Tanzania, Africa.

Nagbabakasyon ang magkasintahang Steven Weber at Kenesha Antoine sa Pemba Island, sa isang wooden cabin na may kwartong nakalubog sa ilalim ng tubig.


Nag-propose si Weber sa pamamagitan ng pagsisid sa tubig habang may hawak na handwritten note bago ipakita ang singsing at sinabing “will you please be my wife? marry me?”

Agad namang ibinigay ng kasintahan ang matamis na oo pero nakapusan ng hininga ang biktima at binawian ng buhay.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang pamunuan ng resort na tinuluyan ng couple habang patuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments