Lalaki, patay matapos mahulog sa balon sa Sta. Elena, Camarines Norte

Patay ang isang lalaki matapos itong mahulog sa isang balon sa Barangay San Vicente, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Salbador Lazar, residente ng naturang barangay.

Ayon sa imbestigasyon, gabi ng Sabado, Agosto 23, nang mahulog ito ngunit Linggo na ng umaga nang madiskubre itong palutang-lutang sa balon.

Kaagad namang rumesponde ang Sta. Elena Municipal Police Station upang iahon ang bangkay.

Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang mga posibleng dahilan ng insidente.

Facebook Comments