Lalaki, patay matapos makuryente sa Valenzuela

Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Valenzuela City.

Kinilala ng biktima na si Alexander Anapi, 27-anyos at isang construction worker.

Nangyari ang aksidente sa ikalawang palapag ng W.L. Food Product.


Patapos na sa kanyang trabaho ang biktima at papatayin na sana ang makina nang aksidenteng naipasok ang kanyang kamay sa switch saka nangisay.

Isinugod pa siya ng kanyang mga katrabaho sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Facebook Comments