Lalaki, patay matapos malunod sa ilog sa Bacolod

Bacolod – Patay ang isa sa pitong mga kalalakihan, matapos malunod sa Upper, Bigaan River sa Bacolod.

Ang biktima ay nakilalang si Medel Baslote, 24 taong gulang, residente ng Bontong, Barangay Camaman-An.

Ayon kay Barangay Gusa Kapitan Marlon Tabac, na galing nanuod kahapon ang mga biktima sa laban ni Manny Pacquiao at Jeff Horn, at nagkasundong maligo sa ilog.


Pauwi na sana ang mga biktima nang biglang lumaki ang tubig dahil sa lakas ng ulan sa bukid, kaya nalunod ang pitong magkaibigan na tumawid.

Anim sa mga ito ang nakakapit sa mga damo, habang si Baslote ay nawala.

Nakita ang bangkay ni Baslote kaninang umaga sa purok 3b, Barangay Gusa sa nasabing siyudad.

Facebook Comments