Lalaki, Patay Matapos Malunod

21

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos malunod sa Ilog Cagayan sa bahagi ng brgy San Rafael East, Sta Maria, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Julius Pagulayan, 28 taong gulang, walang asawa, at residente ng parehong lugar.


Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng Sta Maria Police Station na mayroon umanong isang lalaki na nalunod sa nabanggit na lugar.

Agad namang nagtungo ang tropa sa nasabing lugar kasama ang ilang kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang tugunan ang natanggap na impormasyon.

Napag-alaman na nakipag-inuman pa ang biktima sa mga kaibigan nito sa kanilang bahay at pagkalipas ng ilang oras ay nagdesisyon ang mga ito na magtungo sa ilog para maligo.

Habang naliligo ang mga ito ay nalunod ang biktima at makalipas ang ilang oras ay narekober din ang kanyang katawan.



Facebook Comments