Lalaki, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Parañaque City

65

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki mataposmakasagupa ng mga pulis sa tabi ng isang creek sa Brgy. San Dionisio, ParanaqueCity.
  Dead-on-the-spot ang hindi pa nakikilalang suspect nanakasuot ng dilaw na sando, itim na pantalon, at rubber shoes.
  Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng ParanaquePolice, nagsagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa bahagi ng IrasanComplex at nakita ang dalawang lalaki na kahina-hinala ang kilos.
  Pababa pa lamang aniya sa patrol car ang mga pulis parasitahin ang mga lalaki, pero bumunot kaagad ng baril ang mga ito at pinaputukansila.
  Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis at napatay angisa sa mga suspect, habang nakatakas naman ang kasama nito.
  Nakuha sa kamay ng suspect ang isang caliber .38 narevolver na may mga lamang bala, dalawang sachet ng shabu, at mga drugparaphernalia.
  Ayon kay Modequillo, madalas nang may itinatapong bangkaysa nasabing creek at talamak rin umano ang bentahan ng droga sa naturang lugar.
  Nagsasagawa na ng follow up operation ang Paranaque CityPolice upang mahuli ang nakatakas na suspect.

Facebook Comments