Lalaki, patay matapos mapagkamalang miyembro ng fraternity sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang lalaki nang saksakin matapos mapagkamalang miyembro ng fraternity sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Chester Nava, 23-anyos na napatay ang matapos magkasagupa ang dalawang magkalabang fraternity.

Inimbitahan lamang ang biktima sa isang inuman na inorganisa ng isang fraternity kung saan kasapi ang isa sa kanyang kababata.


Hustisya naman ang panawagan ng tatay ng biktima na si Fernando.

Hindi naman matanggap ni Cherilyn ang nangyari sa kanyang anak.

Tukoy na ng pulisya ang mga nasa likod ng pagpatay at nakikipag-ugnayan na sila sa eskwelahan nito.

Sa ngayon, hindi muna papangalanan ang mga sangkot at maging ang mga fraternity na kinabibilangan ng mga ito.

Facebook Comments