Lalaki Patay, Matapos Mawalan ng Preno ang Minamanehong Motor!

City of Ilagan, Isabela – Kaagad na nasawi ang isang lalaki matapos na mawalan ng preno at bumangga sa sementadong bahagi ng daan ang minamanehong motorsiklo, pasado alas onse kagabi, May 31,2018, sa kahabaan ng Barangay San Juan, City of Ilagan, Isabela.

Ayon kay PO3 Ryan Ramos, imbestigador ng City of Ilagan Police Station, kinilala ang nasawi na si James John Villaspin, nasa tamang edad at residente ng Tambalan Alcala, Cagayan.

Nasugatan naman ang dalawang kasama ni Villaspin na sina Jessie Balmadrid, 25 taong gulang, may asawa, residente ng Western Solana Furagi, Cagayan at si Reden Millan, 17 taong gulang at residente ng Buguey, Cagayan.


Sinabi pa ni PO3 Ramos na itinakbo ng rescue team ang dalawa sa Governor Faustino Dy Memorial Hospital para karampatang lunas.

Samantala ang bangkay ni Villaspin ay nasa isang purinarya sa City of Ilagan at  nakikipag-ugnayan na ang  PNP Ilagan sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments