Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Quezon City

Patay ang isang lalaki matapos barilin sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Rolando Santos, 38 anyos.

Naglalakad lamang ang biktima nang pagbabarilin ng riding in tandem sa St. Peter St. Brgy. Holy Spirit, Quezon City.


Kalibre .45 ang ginamit na baril ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Facebook Comments