Lalaki – patay matapos pagbabarilin sa Delpan,Tondo Maynila

Manila, Philippines – Isang lalaki ang napatay matapos pagbabarilin sa Delpan,Tondo Maynila.

Kinilala bilang Dennis Antonio, 59 anyos, ang lalaki tinambangan ng riding in tandem sa Matahimik St. corner Zaragosa St. Brgy 32 Zone 2, Delpan, Tondo, Maynila.

Base sa salaysay ng saksi na itinago sa pangalang Danni, 12:04 ng tanghali ng mapadaan sa lugar ang biktima sakay ng kaniyang motor na may plakang 6422 TP.


Agad namang isinugod sa Gat Andres Bonifacio hospital ang isang Rochelle Millare, 21, tinamaan ng ligaw na bala sa paa.

Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa naturang insidente.

Facebook Comments