Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Taguig City

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Taguig City.

Inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng kulay puting sando, kulay blue na short pants, naka-tsinelas at balingkinitan ang pangangatawan.

Sa imbestigasyon, pasado alas-10:00 kagabi nang makita ang bangkay ng biktima sa DBP Avenue, malapit sa FTI Rotonda sa Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod.


Ayon sa SOCO o Scene of the Crime Operatives, apat na tama ng hindi pa mabatid na kalibre na baril ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.
DZXL558

Facebook Comments