Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa ulo sa Quezon City

203

Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos na ito ay pagbabarilin sa ulo at braso ng isang hinihinalang adik sa Sitio Barangay Pag-asa, San Roque Dos, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Mario Gurmiran, 54 anyos residente sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni QCPD Station 3 PO2 Julius Paz alas 11:10 ng umaga nang mangyari ang pagpatay.


Base naman sa salaysay sa kaanak ng biktima, isang nagngangalang “Bobot” na tulak umano sa iligal na droga ang posibleng may kagagawan ng pagpatay.

Matagal na umanong may hidwaan ang dalawa at matagal nang may banta sa buhay ni Gurmiran dahil pinapakialaman umano nito ang mga aktibidad ni “Bobot” kapag nagsisigasigaan ito sa kanilang lugar.

Pasado ala una ng hapon naman ng dumating ang SOCO sa lugar.



Dinala naman na sa Lights Funeral Homes ang biktima para sumailalim sa otopsiya.

Facebook Comments