Lalaki, patay matapos pagbabarilin

153

Manila, Philippines – Patay ang isang 43-anyos na lalaki habang kritikal ang kasamahan nito matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Dr. Pilapil Street Barangay San Miguel, Pasig City.

Kinilala ang napatay na si Ramil Enriquez habang ginagamot na sa ospital ang 20-anyos na si Jake Pisarada.

Sa imbestigasyon ng Pasig City Police Station, nasa ikalawang palapag ng bahay ang mga biktima nang pasukin sila at pagbabarilin ng mga suspek.


Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng baril, hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Nabatid na nasa drug watch list ng barangay at PNP sina Enriquez at Pisarada.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa totoong motibo at pagkakakilanlan ng mga gunman.



Facebook Comments