Lalaki, patay matapos pagsasaksakin ng kapwa customer sa isang beerhouse sa Malate

Malate, Maynila – Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kapwa customer sa isang beerhouse sa Malate, Maynila.

Todo-pagsisisi ang suspek na si Gerry Nacario matapos nitong patayin sa saksak ang biktimang si Deomevar Oric.

Ang dahilan ng kanilang alitan ay ang 800 pesos na nalaglag ng suspek sa CR na inangkin ng biktima.


Umalis ang suspek sa beerhouse at pagbalik nito ay dala na nito ang kutsilyo.

Nakumpiska ang ginamit na panaksak sa suspek matapos itong mahuli ng mga awtoridad.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder.

Facebook Comments