Lalaki, patay matapos pagtatagain sa Negros Oriental

Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain ng isa pang lalaki noong Hapon ng Miyerkules sa Tanjay City, Negros Oriental.

Sa report ng mga pulis, may pinuntahan ang biktimang si Felipe Guarin, 64, sa pinagtatrabahuan ng hinahanap niyang lalaki sa Barangay Isidro.

Nang makarating sa lugar ay agad umanong tinaga ni Guarin ang lalaki ngunit nakailag daw ito at naagaw ang hawak niyang itak.


Dito na umano pinagtataga ng lalaki si Guarin na agad nitong ikinasawi.

Nang makarating sa ospital ay binawian ng buhay ang biktima.

Samantala, tinutugis naman ang suspek habang inaalam ng awtoridad ang naging motibo ng krimen.

Facebook Comments