Lalaki, patay matapos sagipin ang 3 batang nalulunod sa ilog

246
(iStock photo)

CALIFORNIA, US – Nauwi sa kamatayan ang tangkang pagliligtas ng isang lalaki sa tatlong batang nalulunod sa ilog.

Sa ulat ng local ABC affiliate, nasawi ang biktimang si Manjeet Singh, 29 matapos tumalon sa Kings River nang makitang dinadala ng tubig ang dalawang babae at isang lalaki.

Ayon sa mga opisyal, nasa lugar si Singh kasama ng kanyang bayaw para mag-jet ski nang mangyari ang insidente.

Nang talunin umano ng biktima ang mga bata, sa kasamaang-palad ay hindi na ito nakaahon pa kasama ng isang batang babae na noo’y nasawi rin.

Isang nakasaksi ang agad na nahila ang isa sa mga bata na ngayon ay naka-life support na base sa ulat.

Ang isa naman ay nagawang makaahon mula sa ilog.

Saad ng pulisya, inaalam nila kung marunong bang lumangoy si Singh.




Narekober ang kanyang katawan makalipas ang 40 miuto na search operation.

Naiulat na tubong India si Singh at nagtungo lamang sa US para magsimula ng truck driving school.

 

 

 

Facebook Comments