Lalaki, patay matapos saksakin ng nasagi habang nakikipagsuntukan sa Calauag, Quezon

Patay ang isang residente ng Purok 3, Barangay Biyan, Calauag, Quezon matapos pagsasaksakin ng isang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Calauag Municipal Police Station, nagkainitan sa pagtatalo ang biktima na si alyas “Jose” at si Jacinto Targa na nauwi sa babag o suntukan ng dalawa.

Sa kaguluhan ay nasagi ang suspek ng dalawa. Marahil sa inis umano, bumunot ito ng patalim at tinarakan ng makailang beses ang biktima na nagresulta sa pagkakasugat nito.

Naisugod naman ang biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

Samantala, tumakas naman ang suspek pero nahuli pa rin ng mga nagrespondeng awtoridad.

Facebook Comments