Lalaki, Patay Matapos Salpukin ng Sasakyan!

238

*Cauayan City, Isabela-* Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos itong mabangga ng sasakyan habang bumabaybay sa kahabaan ng Brgy. San Fernando, Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Frederick Returco, 42 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Paddad, Alicia, Isabela habang ang suspek at drayber ng Mitsubishi Lancer na may plakang TNR-960 ay nakilalang si Jose Prudencio, 30 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Calaocan, Alicia, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa Hilagang direksyon (Cauayan City) ang biktima lulan ang minamanehong traysikel na may plakang 3480-JZ habang patungo naman sa Timog na direksyon (Alicia town proper) ang suspek.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidente silang nagkasalpukan sa gitnang bahagi ng lansangan.

Parehong dinala ng Alicia Rescue 531 sa pagamutan ang biktima at suspek subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) ang drayber ng traysikel.

Kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring insidente.

Facebook Comments