LALAKI, PATAY MATAPOS SUMALPOK SA BARRIER AT TUMILAPON SA KANAL

Cauayan City – Hindi na nakaligtas pa sa kamatayan ang isang lalaki matapos nitong masangkot sa aksidente sa lansangan sa Brgy. Sicalao, Lasam, Cagayan.

Batay sa ulat, galing umano sa bukid at pauwi na sana sa kanilang bahay ang biktimang pinangalanang si “Melvin”, 19 anyos, at residente sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat na matulin umano ang pagpapatakbo nito sa kanyang motorsiklo kaya hindi nito nakontrol ang kanyang pagmamaneho na naging dahilan upang banggain ang barikada sa gilid ng daan.


Dahil dito tumilapon ang biktima sa kalapit na irrigation canal.

Kaagad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga residenteng nasa lugar at sinubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay sa pagamutan.

Facebook Comments