Lalaki, Patay Matapos Sumalpok sa Sasakyan

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos sumalpok sa kasalubong na sasakyan ang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika highway ng barangay Mabini, Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Joe Lhan Labuguen, nasa hustong gulang, binate, residente ng Brgy. Calabayan Minanga, Angadanan, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Alicia, bumabaybay sa lansangan ang biktima patungong North direction lulan ang minamanehong motorsiklo at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente lumiko sa kaliwang bahagi ng daan ang kasalubong na sasakyan na may plakang WDZ 180 na minamaneho naman ni Senando Rueda Jr, 38 taong gulang, may-asawa at nakatira sa Rizal, Santiago City.


Dahil dito, aksidenteng sumalpok sa sasakyan ang minamanehong motorsiklo ng biktima kaya’t nagtamo ito ng matinding pinsala sa katawan.

Dinala sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong Dead on Arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Nasa kustodiya na rin ng Alicia Police Station ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments