Lalaki, Patay Matapos Sumemplang sa Kalsada!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos itong maaksidente sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Brgy. Palattao Naguilian, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rolly Viernes, 38 taong gulang, residente ng Brgy. Roxas, Naguilian, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 7:00 kagabi nang baybayin ng biktima ang lansangan patungong South direksyon lulan ang minamanehong motorsiklo na walang plaka.


Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa pakurbang bahagi ng daan ay hindi nito nakontrol ang pagmamaneho hanggang sa nalihis ito sa linya at sumemplang sa kalsada.

Tumilapon at nahulog sa bangin ang biktima kaya’t nagtamo ito ng matinding pinsala sa katawan at ulo na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Facebook Comments