Lalaki, patay matapos tadtarin ng saksak

Caloocan City – Patay ang 30 taong gulang na lalaki matapos tadtarin ng saksak ng mismong kabarkada nito sa phase 9 brgy. 176 Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Francis Ortiz, na sangkot din sa iligal na droga base na rin sa kwento ng pamilya.

Ayon sa tatay ng biktima na si Danilo, alas-5 ng hapon isang Errol Padua ang nagwala sa tapat ng bahay nila at pilit na pinapalabas si Francis.


Kargado ng itak si Errol kung saan pinagtataga nito ang gate nila Francis maging ang alagang aso ay tinaga ng suspek.

Pag sapit ng alas-diyes ng gabi, inaabangan ang biktima malapit sa court ng botlog at dito na siya napatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Dead on the spot si Francis habang nakatakas si Errol.

Ayon sa mga saksi bago mamatay ang biktima,sumisigaw pa ito ng pag mamakaawa habang binabanggit ang pangalan ni Errol.

Samantala, hinala ng tatay ng biktima napagbintangan ang kanyang anak na taga sumbong ng adik sa kanilang lugar dahil noong nakaraang linggo isang adik ang itinumba at lumalabas na ito ay kamag-anak ng pumatay sa kanyang anak.

Facebook Comments