Lalaki, Patay Matapos Umanong Manlaban sa Buybust

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Dancel Madronio alyas Dandan, nasa hustong gulang, may-asawa at residente rin sa naturang lugar.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), naglatag ng drug buybust operation ang mga kasapi ng PNP Cauayan City sa pangunguna ni PMaj Arturo Cachero pasado alas 10:00 kagabi laban sa pinaghihinalaan.


Sa naturang transaksyon, nakabili ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa pinaghihinalaan.

Natunugan umano ng suspek na pulis ang nebentahan nito kaya’t binunot nito ang nakasukbit na baril sa beywang at itinangkang iputok sa pulis subalit naging alerto ang pulis kaya’t naunahan nitong mabaril ang suspek sa dibdib.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib ang suspek na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Facebook Comments