Lalaki, patay; menor de edad, sugatan sa pamamaril sa loob ng computer shop sa Tondo, Maynila

Tondo, Maynila – Patay ang isang lalaki, habang sugatan ang isang menor de edad sa pamamaril sa loob ng computer shop sa Lico Street, Barangay 211, Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo si Joseph Tiamzon na sinasabing notoryus na holdaper.

Nadaplisan naman ng splinter ng bala ang isang 16-anyos na babae.


Hindi nakilala kung sino ang salarin na agad tumakas nang bumulagta si Tiamzon.

Dati nang nakulong si Tiamzon dahil sa panghoholdap at pagdadala ng armas.

Ayon kay Celso Sebastian, ang chairman ng Barangay 211, kilala ring tulak ng droga ang namatay na biktima.

Facebook Comments