Lalaki, patay nang mabaril ang sarili matapos madapa

707

Nasawi ang isang binata matapos na aksidenteng maputukan ng dala niyang baril nang madapa habang naglalakad sa bundok sa Cervantes, Ilocos Sur, Lunes ng gabi.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren Quidpoan, 28, residente ng Barangay Libang sa nasabing lugar.

Ayon sa Cervantes police, bandang alas-4 ng hapon nang magkayayaan ang biktima at apat nitong kaibigan na umakyat sa bundok para mangaso.

Ginabi na umano ang grupo sa pangangaso nang mangyari ang insidente.

Habang naglalakad ay nadapa sa may batuhan malapit sa isang creek si Quidpoan, saka aksidenteng pumutok ang dala niyang kalibre .38 revolver.

Tinamaan ng bala sa katawan ang binata na agad binuhat pauwi ng kanyang mga kasamahan.

Sinubukan pang sagipin sa ospital ang biktima, ngunit binawian din ng buhay.




Facebook Comments