Sawi ang isang lalaki matapos mahagip ng papalapag na eroplano sa Austin-Bergstrom International Airport sa Texas, noong Huwebes ng gabi.
Ayon sa tagapagsalita ng airport, hindi nila empleyado ang lalaki na tumalon umano sa perimeter fence upang makapunta sa runway.
“We are treating it as a security breach. This is the first time we’ve had a runway incursion like this. We have had the occasional security breach, but no one has ever gotten onto an active runway at the airport,” saad ng opisyal sa ABC News.
Sa pahayag naman ng Southwest Airlines, sinabing sinubukan pa ng piloto na iwasan ang lalaki na lumitaw ilang saglit nang lumapag ang Boeing 737.
Hindi naman na nagbigay ang awtoridad ng iba pang pagkakakilanlan ng nasawing matandang lalaki.
Pansamantalang natigil ang operasyon ng paliparan, ngunit naibalik din kinaumagahan, Biyernes, matapos malinis ang runway.
Siniguro naman ng Southwest na ligtas at walang sugatan sa 59 kataong lulan ng eroplano.