Lalaki, Patay nang Makaladkad ng Trailer Truck

52

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos bumangga at makaladkad ng trailer truck pasado alas-tres ngayong hapon sa kahabaan ng Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Angelito Mapalo, 43-anyos, residente ng Brgy. Paddad habang nakilala naman ang suspek na driver ng truck na may plakang RJF 551 na si Edgar Villaflor, may-asawa at residente ng Brgy. Pinoma, Cauayan City, Isabela.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Alicia Police Station, binabagtas ng driver ng truck at motorsiklo ang south direction patungo sa Alicia Town Proper at nang marating ang pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng bumangga sa truck ang biktima at makaladkad pailalim.

Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima ng mga rumespondeng rescue team subalit idineklarang dead on arrival sa pagamutan ng sumuring duktor.

Maswerte namang walang natamong sugat sa katawan ang driver ng truck matapos ang insidente.

Inihahanda naman ang reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property na isasampa laban kay Villaflor.



Facebook Comments