Lalaki, patay nang masagasaan ng PNR

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki ng masagsaan ng tren ng Philippine National Railways o PNR.

Nakilala ang biktima na si Florante Aguilar Dupan, 54-anyos at residente ng Maria Guison Street, Barangay 152 Zone 14 at isang empleyado ng Manila City Hall sa engineering department.

Ayon sa Corporal Marvin Lais ng Manila Police Station o MPD Station 7, sa kanilang paunang imbestigasyon at base sa kuha ng CCTV, naglalakad ang biktima nang mahagip ng tren sa Triangulo-Solis sa Tondo, Maynila.


Bibili lamang sana ng pandesal at patawid hanggang sa masagasaan at pumailalim pa sa tren.

Dead on the spot ang biktima habang hindi naman naapektuhan ang biyahe ng mga tren ng PNR sa kabila ng aksidente.

Facebook Comments