Lalaki, patay nang sakalin ng live in partner sa Pasig City

Pasig City – Patay ang isang lalaki matapos sakalin nang kaniyang kinakasama sa Pasig City.

Ayon sa suspek na si Margarette Mabalo, nandilim lang ang kaniyang paningin dahil sa paulit-ulit na pananakit ng biktimang si Michael Apolinario, 27-anyos.

Aniya, sa limang taon nilang pagsasama, hindi na niya mabilang ang pananakit ng ka-live in na ang kadalasan dahilan ay pera.


Payo naman ng pulisya sa mga nakararanas ng pananakit at pang-aabuso, dumulog sa tanggapan ng mga otoridad para agad na malutas ang problema.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments