Lalaki, Patay ng magbigti dahil sa Problema sa Pamilya

675

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos itong magbigti sa loob mismo ng kanyang kwarto gamit ang isang nylon rope bandang 5:35 kaninang hapon sa Brgy. Malitao, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Herbert Manaligod, 32-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.


Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Echague, ang biktima ay nakakaranas ng depresyon dahil sa problema sa kanyang pamilya partikular sa kanyang asawa na nagtatrabaho abroad.

Batay sa cellphone video, inaayos pa ng biktima ang tali na kanyang gagamitin sa pagbibigti at kanya rin itong pinadala sa kanyang asawa sa pamamagitan ng social media.

Narekober nalang ng ama ng biktima ang wala ng buhay na katawan ng kanyang anak.

Idineklara ng Rescue Echague na dead on the spot na ang biktima dahil sa wala na itong pulso.



Facebook Comments