Lalaki patay ng makuryente sa Pikit North Cotabato

Pumanaw na ang isang lalaking miembro ng radio group matapos makuryente kamakalawa ng gabi habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato.
Binawian ng buhay sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City si Basit Aliman, isang negosyante at miembro ng Bangsamoro Communication Network(BCN) sa nasabing bayan. Pasado alas 11:30 kagabi ng pumanaw ang biktima dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan.
Kamakalawa habang gamit ng biktima ang kanyang handheld radio ay biglang natumba ang radio tower antenna sa kanilang tahanan at tumama sa gawad ng kuryente ng Cotabato Electric Company ( COTELCO ) dahilan para aiya ay makuryente.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.( with report from Jesy Ali)

Facebook Comments