Nasawi ang isang lalaki matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na kotse bandang alas-8 ng gabi noong Oktubre 31 sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Anolid, Mangaldan, Pangasinan.
Batay sa ulat ng Mangaldan Municipal Police Station, nag-overtake umano ang kotse hanggang sa mapunta ito sa linya ng biktima kung saan nagbangaan ang dalawa.
Nagtamo ito ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na isinugod sa pagamutan sa Dagupan City, ngunit binawian ng buhay kinabukasan.
Samantala, nagtamo naman ng minor injuries ang driver at pasahero ng kotse at agad na nabigyan ng lunas sa pagamutan bago nagtungo sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa paunang imbestigasyon, walang suot na helmet ang biktima sa oras ng insidente.
Patuloy ang imbestigasyon at wala pang naitatala na kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.









