Lalaki, Patay sa Buy Bust Operation!

244

*Tuguegarao City, Cagayan-* Dead on the Spot ang isang lalaki na tulak ng droga matapos itong manlaban sa inilatag na Drug Buy Bust operation ng mga otoridad sa bayan ng Solana, Cagayan pasado ala una kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Yacat, 57 taong gulang at residente ng Brgy. Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan.


Batay sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, Natunugan umano ng suspek ang patibong ng mga otoridad kaya’t pinaputukan ang katransakyon na pulis na dumipensa naman laban sa suspek.

Gumanti pa umano ang suspek subalit pinaputukan na ito ng pulis sa kanyang dibdib na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang Cal 38 na baril at pera na nagkakahalaga ng dalawang libong piso P2,000.00 na ginamit sa nasabing operasyon.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga alagad ng batas ang mga kasamahan ng suspek matapos tumakasa lulan ng isang motorsiklo.

Nabatid na ang napatay na tulak ay sangkot sa mga nakawan at panghoholdap sa nasabing bayan.

Facebook Comments

From Advertisers