NEW YORK – Patay ang isang 76-anyos na lalaki dahil sa coronavirus matapos umano itong pauwiin ng mga doktor.
Sumailalim sa test ang lalaki sa New York-Presbyterian Hospital noong Marso 13 matapos makaramdam ng mga sintomas ngunit agad daw pinauwi ng mga doktor habang hinihintay ang resulta.
Ayon sa The Post, lumala ang kondisyon ng matanda noong Linggo at nitong Miyerkules ay binaiwan siya ng buhay sa loob ng kanyang apartment sa Jackson Heights bandang 5:45p.m.
Kwento ng kapitbahay ng lalaki, ilang buwan ang nakararaan nang mabalian ito sa tagiliran kaya pansamantala raw itong nanatili sa rehabilitation center kung saan tumagal siya ng dalawang buwan.
Marso 13 nang ilipat siya sa ospital dahil sa naramdamang ilang sintomas ng virus kaya agad naman siyang ipinasuri.
Ayon sa ulat, kaparehong araw nang pauwiin daw ng mga doktor ang lalaki para mag-self quarantine muna hanggang lumabas ang resulta ng test.
Giit ng isang kaibigan, mas maige raw kung nanatili siya sa ospital habang hinihintay ang resulta ng test.
Samantala, nananatili naman walang sagot ang ospital sa nangyari ayon sa report.